ONLINE SELLER NG ABORTION PILLS, ARESTADO SA CIDG

KALABOSO ang isang lalaki makaraang madakip sa paglalako online ng isang unregistered medicine na ginagamit bilang pampalaglag o aborsyon.

Ayon sa ulat ng CIDG Director PMGen. Robert Alexander Morico II, isang poseur buyer ang binentahan ng suspek na nagresulta ng kanyang pagkaaresto.

Ikinasa ang operasyon ng mga tauhan ng Criminal Investigation and Detection Group-Women and Children Complaint Unit sa 18th Avenue, Barangay San Roque, Cubao, Quezon City.

Nakuha sa suspek na si alyas “Mar” ang mga gamot na kinabibilangan ng Misoprostol tablets at iba pang unregistered medicines.

Ayon kay Morico, nag-ugat ang operasyon makaraang makatanggap ng tip ang Women and Children Protection Center Helpline kaugnay sa isang online Messenger group na umano’y sangkot sa ilegal na bentahan ng naturang mga gamot.

Aniya, posibleng magdulot ng panganib sa kalusugan ang paggamit ng mga hindi rehistradong gamot, kaya patuloy ang kanilang kampanya laban sa ilegal na distribusyon nito.

Nahaharap ang suspek sa kasong paglabag sa Food and Drug Administration Act.

(TOTO NABAJA)

114

Related posts

Leave a Comment