INIHAYAG ng Philippine National Police na aabot sa P12.4 bilyong halaga ng ilegal na droga ang kanilang nakumpiska sa mga operasyon nito sa loob ng unang apat na buwan ng 2026.
Resulta ito ng pinaigting na intelligence-driven operations at koordinasyon sa iba’t ibang ahensya at komunidad upang mapanatili ang momentum ng kampanya.
Batay sa datus, nakapagsagawa ang PNP ng higit 26,000 na anti-illegal operations mula Enero hanggang Abril, na nagresulta sa pagkakaaresto ng higit 30,000 katao.
Kabilang sa mga nakumpiska ang shabu, marijuana, cocaine, ecstasy at kush marijuana.
Ayon kay PNP chief, Police General Jose Melencio Nartatez Jr., patunay ito ng tuloy-tuloy na kampanya ng pulisya laban sa ilegal na droga para mapanatili ang kaligtasan ng mga komunidad.
(TOTO NABAJA)
165 