FOOD, ENERGY SECURITY AT MIGRANT SAFETY ITINAKDANG ASEAN PRIORITIES

BINALANGKAS ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. ang food security, energy stability, at proteksyon sa Southeast Asian nationals bilang pangunahing prayoridad para sa 48th Association of Southeast Asian Nations (ASEAN) Summit habang ang Pilipinas ang magsisilbing chair ngayong taon.

Sa video message bago ang summit sa Lapu-Lapu City, Cebu, binigyang-diin ng Pangulo ang pangangailangan ng mas matibay na pagkakaisa sa rehiyon sa gitna ng lumalalang global challenges.
“This year, the Philippines carries with pride the responsibility of shaping the future of the region,” pahayag ni Pangulong Marcos.

Aniya, siyam na taon na ang nakalipas mula nang huling mag-host ang Pilipinas ng ASEAN Summit.

Bagama’t ipinakita aniya ng ASEAN ang katatagan sa mga nakalipas na taon, sinabi ng Pangulo na “our work is far from over” habang hinaharap ng rehiyon ang mas komplikadong pandaigdigang sitwasyon.

Sa ilalim ng temang “Navigating Our Future, Together,” sinabi ni Pangulong Marcos na nakatuon ang Pilipinas sa pagsusulong ng isang “peaceful, prosperous, and people-centered” ASEAN na nakabatay sa pagkakaisa at ASEAN centrality.

Binigyang-diin din ng Pangulo ang kahalagahan ng energy security lalo na sa gitna ng global supply disruptions na inuugnay sa nagpapatuloy na tensyon sa Gitnang Silangan.

“At this summit, I will lead discussions on how the region can bolster regional preparedness, ensure stable energy supply, and accelerate energy diversification to reduce vulnerability to external shocks,” ani ng Pangulo.

Isa rin sa pangunahing agenda ang food security, kabilang ang pagpapanatili ng malayang daloy ng mahahalagang produkto at pagpapalakas ng suporta sa mga magsasaka at micro, small and medium enterprises (MSMEs).

Binigyang-halaga rin ni Pangulong Marcos ang kaligtasan ng ASEAN nationals na nagtatrabaho at naninirahan sa ibang bansa.

“Their safety is equally important,” saad ng Pangulo.

Samantala, mainit ding tinanggap ng Pangulo ang inaasahang full membership ng Timor-Leste sa ASEAN at inilarawan itong simbolo ng patuloy na kooperasyon at pagkakaisa sa rehiyon.

Inaasahang tatalakayin din ng mga lider ng ASEAN ang iba’t ibang usapin kaugnay ng economic resilience, security cooperation, at humanitarian concerns sa panahon ng summit.

(CHRISTIAN DALE)

92

Related posts

Leave a Comment