PULITIKA, DISKRIMINASYON SA AYUDA PINASISIYASAT

ISINUSULONG ni Senador Loren Legarda ang pagsasagawa ng imbestigasyon sa sinasabing pamumulitika at diskriminasyon sa pagpapatupad ng cash assistance at subsidy programs ng gobyerno.

Sa kanyang Senate Resolution 381, nais din ni Legarda na hilingin ng Senado sa Office of the President na magsagawa ng patas at independent investigation.

Iginiit ni Legarda na dapat mapag-aralan ng Senado ang kailangang batas upang matiyak na napapanahon ang pagbibigay ng ayuda, ligtas ang mga benepisyaryo mula sa panganib at hirap ng pagpila para sa ayuda, at upang matiyak na hindi ito mapapasukan ng pulitika at palakasan gayundin ng duplikasyon ng mga programa.

Dapat anyang isama sa iimbestigahan ang mga sinasabing exclusion o pag-itsapwera sa 84 na barangay sa Taal at Nasugbu, Batangas sa pamamahagi ng ayuda.

Nakasaad din sa resolusyon na nagdudulot ito ng pagkabahala sa posibleng diskriminasyon sa programa at sa impluwensya rito ng lokal na pulitika kaya dapat sipatin ang ganitong pangyayari.

(DANG SAMSON-GARCIA)

62

Related posts

Leave a Comment