P20-M COCAINE NABINGWIT SA KARAGATAN NG PALAWAN

NASA kustodiya na ng Palawan PNP ang tinatayang P20 milyong halaga ng hinihinalang cocaine matapos itong isuko ng dalawang mangingisda na nakabingwit dito habang namamalakaya sa karagatang sakop ng Barangay Taburi sa Rizal municipality.

Ayon sa ulat ng Rizal Municipal Police Station, natagpuan ang palutang-lutang na pakete sa dagat noong Linggo sa katimugang bahagi ng Palawan.

Nakabalot umano sa itim na plastic ang hinihinalang cocaine na tumitimbang ng dalawang kilo at may tinatayang street value na P20 milyon.

Agad itong isinailalim sa kustodiya ng Palawan Police Provincial Office para sa documentation at laboratory examination.

Patuloy naman ang imbestigasyon ng mga awtoridad upang matukoy ang pinagmulan ng droga at ang mga posibleng sangkot sa shipment.

(JESSE RUIZ)

80

Related posts

Leave a Comment