SYANONG DETEKTIB ni Lucio S. Papa
DALAWANG taon bago ang takdang araw ng halalan, puspusan na ang paghahanda ng isang kalihim sa pagsabak sa 2028 national elections.
Target ni Health Secretary Teodoro Herbosa mapasama sa talaan ng mga pambato ng Partido Federal ng Pilipinas (PFP) para sa posisyon ng senador sa kabila pa ng sandamakmak na kaso ng katiwalian na inihain sa Office of the Ombudsman ng kanya mismong mga tao.
Susmaryosep! Sa dami ng bulilyaso mo, umaasa ka pa talagang mauuto mo si Dayunyor? Sa selection committee pa lang ng PFP, hindi ka na lulusot.
Ang totoo, pinagbigyan lang ni Dayunyor si Philippine Ambassador to the United States Babes Romualdez na nakiusap huwag ka muna sipain sa departamento sa kabila pa ng sandamakmak na reklamo laban sa iyo.
Isa-isahin natin ang dahilan kung bakit hindi mo deserve maging senador.
Sa usapin pa lang ng conflict of interest, dapat sinibak ka na. Bakit kamo? Hindi ba’t may libreng biyahe kang inisponsoran ng Zuellig Pharma Corporation sa Thailand noong 2023?
Malinaw ang nakasaad sa dalawang batas — Anti-Graft and Corrupt Practices Act at Code of Conduct and Ethical Standards for Public Officials and Employees — bawal sa government officials tumanggap ng anomang pabor o pakinabang sa mga negosyante o kumpanyang may transaksyon sa pamahalaan.
Agosto ng nakalipas na taon, pormal na dumulog sa Office of the Ombudsman ang mga empleyado ng DOH hinggil sa P1.29-bilyong “unliquidated cash transfer” sa UNICEF noong 2024 para bumili ng bakuna at iba pang gamot na itinambak lang sa bodega hanggang sa napanis na lang kalaunan.
Hindi pa dun natapos ang sablay. Muling bumili ang DOH (sa hudyat ni Herbosa) ng bakuna sa halagang P524.9 milyon. Ang masaklap, hindi pa nagli-liquidate si Herbosa sa P1.29-billion procurement deal.
Heto pa ang mabigat — nangungupahan ang PhilHealth (na nasa ilalim ng DOH) sa isang gusaling pag-aari ng pamilya ni Herbosa. May kontrata rin sa DOH ang Doctors Pharmaceuticals Inc. na pag-aari ng pamilya pa rin niya.
Pati ang Mobile Primary Care Facilities na tinustusan ng P1.8 bilyon kinamada. Ang resulta — pito sa 10 mobile clinics ay hindi gumagana.
Marso ng kasalukuyang taon naman ay kumalat sa social media ang Facebook post ng kolumnistang si Ramon Tulfo. Aniya, tumanggap si Herbosa ng P60 milyon at isang Toyota Land Cruiser mula kay CWS party-list Congressman Edwin Gardiola.
Ang kapalit – kontrata sa ahensya ni Herbosa.
Ang masaklap, naisahan si Gardiola. Sa iba ibinigay ang kontrata.
94 