PARA magkaroon ng transparency at mabilis na serbisyo, pinangunahan nitong Lunes ni Quezon City Mayor Joy Belmonte ang paglulunsad ng QCitizen Data-Resibo ng Serbisyo na bahagi ng commitment ng lokal na pamahalaan para magkaroon ng higit na accountability at mabilis na pagseserbisyo sa publiko sa pamamagitan ng open digital governance.
Tampok sa programang ito ang tatlong flagship digital platforms upang ang QCitizens ay higit na maunawaan, ma-monitor at malaman ang iba’t ibang serbisyo ng QCLGU para sa QCitizens.
Sa ginanap na press conference nitong Lunes, Mayo 18, sinabi ng QC government na sa ilalim ng QC Open Data Dashboards, naglalaman ito ng mas accessible, accurate, relevant at real time city data tungkol sa serbisyo ng lokal na pamahalaan, demographics, key gov’t. programs para mai-promote ang transparency, evidence-based decision making at citizen engagement.
Ilan sa dashboard na nasa QC eServices platform ang QC Helpline 122, QCID, PWD Community, Free Maintenance Medicine, Pangkabuhayan QC at QC Scholarship Program
Kaugnay nito, sinabi ng QC government na sa ilalim ng QC Open Infra Dashboard ay makikita ang detalye ng infrastructure projects ng QC, halaga, contractor, timeline, progress updates, GIS location, photo documentation mula sa implementation hanggang completion.
Sa ilalim ng Ireport ay maaaring mag-report ang publiko ng mga reklamo, progreso at tugon ng kinauukulang departamento ng QCLGU.
“Ito ay pagtupad sa pangako ko na buksan ang record ng mga proyekto sa ilalim ng aking pamumuno” sabi ni Mayor Belmonte sa kanyang mensahe sa paglulunsad ng proyekto.
Ayon kay Mayor Belmonte, layon ng hakbang na maibsan ang korupsyon, maipatupad ang mas mahusay na serbisyo at good governance.
“Deserve ng QCitizen na makita ang lahat ng record ng QC” ani pa ni Mayor Belmonte.
(PAOLO SANTOS)
60 