MAGTIYUHIN NAGBARILAN SA BATANGAS,1 PATAY

PATAY ang 65-anyos na lalaki makaraang barilin ng pamangkin ng kanyang misis sa kanilang compound sa Batangas.

Kinilala ang suspek na si “Emil”, 55-anyos na isang retiradong pulis.

Makikita sa CCTV footage na unang bumunot ng kalibre 44 na baril ang tiyuhin na si alyas “Ruben” at pinaputukan ang kanyang pamangkin.

Dito na bumunot ng kaliber 40 na baril ang pamangkin at gumanti ng putok hanggang sa maubos ang bala sa magazine.

Kaagad namang isinugod sa pagamutan ang tiyuhin subalit idineklarang dead on arrival.

Ayon sa Acting Chief of Police ng Padre Garcia Municipal Police Station na si Police Major Frank Davis Tuddao, nasanay na umano ang pamilya ng mga ito sa kanilang bangayan na noong 2018 pa nagsimula.

Kaugnay nito, personal grudge ang tinitingnang motibo sa nasabing insidente.

Hinihintay naman ang desisyon ng pamilya ng nasawing tiyuhin kung sasampahan ng kaso ang nasabing pamangkin.

(TOTO NABAJA)

95

Related posts

Leave a Comment