KINUWESTYON sa plenaryo ni Senador Erwin Tulfo ang media restrictions na ipinatutupad sa Senado matapos magpalit ang liderato nito noong May 11.
Ipinarating ng Senate Media kay Tulfo ang pagbabawal ng Senate Sgt At Arms sa mga mamamahayag sa 5th at 6th floor kung saan matatagpuan ang opisina ng mga senador.
Maging sa loob ng session hall ay nilimitahan ang lugar ng media sa kaliwang bahagi ng plenary na nasa pinakalikod na bahagi.
May pagkakataon pang hinaharang din ang mga mamamahayag habang papunta sa Senate lounge at pinagbabawalang maghintay sa giling ng session hall.
Sagot naman ni Senate President Alan Peter Cayetano na aalamin ang sinasabing restrictions dahil wala siyang alam sa mga bagong regulasyon na ipinatutupad.
Sinabi ni Cayetano na nauunawaan nila ang trabaho ng media lalo na ngayong mainit ang Senado kaya’t nangakong aayusin ang regulasyon pagdating sa coverage.
Sa pahayag ni Cayetano nang manungkulan bilang lider ng Senado, isa sa pinangako ay ang pagsusulong ng transparency sa lahat ng gawain ng Senado.
(Dang Samson-Garcia)
68 