SEN ZUBIRI, HUMINGI NG PAUMANHIN SA PAMILYA NI INDAY BADIDAY

HUMINGI ng paumanhin si Senador Juan Miguel Migz Zubiri sa pamilya ng dating TV Host at Journalist na si Lourdes Carvajal o kilala bilang Inday Badiday.

Ito ay makaraang mabanggit niya ang TV host sa kanyang manifestation sa plenaryo kahapon nang almahan ang anya’y horrible propaganda na ipinalabas na video presentation ni Senador Imee Marcos.

Ipinaliwanag ni Zubiri na slip of the tongue lang ang pagbanggit niya sa pangalan ni Inday Badiday kasabay ng pag-amin na dapat ay naging maingat siya sa pananalita.

Binigyang-diin ng senador na malaki ang respeto niya kay Inday Badiday na bahagi ng pop culture ng bansa, kinikilala ang kontribusyon sa Philippine TV, Entertainment, Journalism at sa Media.

Ipinaliwanag ni Zubiri na ibinuhos lamang niya ang pagkadismaya sa isang video na ipinalabas sa Senado at hindi niya hangad na sirain ang alalala o legacy ni Inday Badiday.

Samantala, binigyang-diin ni Senador Panfilo Lacson na noong panahon ng kasikatan ni Inday Badiday, ipinakita nitong siya ay disenteng tao, authentic, truthful, trusted at credible subalit sa Senado kahapopn merong pekeng source, pekeng messenger at pekeng back-up.

(Dang Samson-Garcia)

70

Related posts

Leave a Comment