CENTRAL VISAYAS TOP PERFORMING REPS, MAYORS INILABAS NG RPMD

ISINAPUBLIKO ng RPMD Foundation Inc. ang pinakabagong resulta ng “Index of Governance” (IOG) survey para sa mga top-performing District Representatives at City Mayors sa Central Visayas. Isinagawa ang survey mula Abril 1 hanggang 8, 2026 gamit ang face-to-face interviews sa 5,000 respondents mula sa iba’t ibang socioeconomic classes, na may ±1% margin of error.

Ang IOG ay nakabatay sa pinagsamang trust at performance ratings ng mga opisyal.

Ayon kay Dr. Paul Martinez, Executive Director ng RPMD, layunin ng survey na masukat hindi lamang ang popularidad ng mga opisyal kundi pati ang aktuwal na kalidad ng kanilang pamamahala, accessibility, responsiveness, at kumpiyansa ng publiko. Para sa mga kongresista, isinama sa pagsusuri ang legislative performance, district representation, at constituent services, habang para sa mga alkalde ay tinignan ang financial management, digitalization ng serbisyo, infrastructure development, peace and order, at social welfare programs.

Sa hanay ng District Representatives, nanguna sa “Tier 1” sina Cong. Emmarie “Lolypop” Ouano-Dizon ng Mandaue City na may 87.8%, Cong. Junard “Ahong” Chan ng Lapu-Lapu City na may 87.3%, Cong. Karen Garcia ng Cebu 3rd District na may 85.2%, at Cong. Daphne Lagon ng Cebu 6th District na may 83.5%. Mataas ang naging marka ng apat dahil sa malakas na public trust, legislative performance, district accessibility, at mabilis na pagtugon sa pangangailangan ng kanilang constituents.

Kabilang naman sa second-tier rankings sina Cong. Rhea Gullas na may 86.9%, Cong. Edu Rama na may 86.4%, Cong. Duke Frasco na may 84.8%, Cong. Edsel Galeos na may 82.7%, Cong. Patsy Calderon na may 82.2%, at Cong. Sun Shimura na may 80.7%, na kapwa kinilala sa mahusay na district representation at public service delivery.

Sa Bohol Representatives, nanguna si Cong. Alexei Tutor na may 80%, sinundan nina Cong. Vanvan Aumentado na may 77%, Cong. Baba Yap na may 75.2%, at Cong. Cutie Del Mar na may 70.9%. Ayon sa survey, mataas ang kanilang ratings sa accessibility, visibility sa distrito, at serbisyo publiko.

Sa hanay naman ng City Mayors, nanguna sa “Tier 1” sina Mayor Thadeo Jovito “Jonkie” Ouano ng Mandaue City na may 85.2%, Mayor Samsam Gullas ng Talisay City na may 84.7%, at Mayor Cindi Chan ng Lapu-Lapu City na may 83.5%. Nakakuha sila ng mataas na marka sa leadership, fiscal discipline, digital governance, infrastructure modernization, at crisis response programs.

Sumunod naman sina Mayor Nestor Archival ng Cebu City na may 81.9%, Mayor Joie Perales ng Toledo City na may 81.1%, Mayor Val Chiong ng Naga City na may 79.1%, Mayor Jane Yap ng Tagbilaran City na may 77.7%, Mayor Mayel Martinez ng Bogo City na may 75.2%, Mayor Nito Durano ng Danao City na may 71.8%, at Mayor Patrick Barcenas ng Carcar City na may 70.7%, na nagpapakita ng mahusay na pamamahala at patuloy na tiwala ng publiko.

72

Related posts

Leave a Comment