MATAPOS ANG AKSYON AT DRAMA, ROMCOM NAMAN SA SENADO; LAPID KAY PIA: MAHAL KITA

TUMAYO si Senator Lito Lapid upang magbigay ng manifestation at paglilinaw na nananatili siya sa minorya at suportado ang mosyon na burahin sa record ang video presentation ni Sen. Imee Marcos kamakalawa na tinawag ni Sen. Raffy Tulfo na ‘hao shiao’ o peke. (DANNY BACOLOD)

SA pambihirang pagkakataon, tumayo si Senador Lito Lapid sa plenaryo ng Senado at nagbigay ng manifestation.

Ito ay upang linawin na nananatili siyang miyembro ng Senate Minority Bloc at walang katotohanan na lumipat na siya sa Majority bloc.

Taliwas ito sa lumutang sa social media na lumipat na si Lapid sa mayorya.

Binigyang-diin din ni Lapid na suportado niya ang mosyon nitong Lunes ni Senador Juan Miguel Migz Zubiri sa pag-aalis sa records ng video presentation ni Senador Imee Marcos hinggil sa mga alegasyon ng planong charter change.

Agad namang tumayo si Senador Pia Cayetano at inihayag na kahit magkaibang panig na sila ay patuloy ang pagpapadala ni Lapid sa kanya ng maja blanca at suman.

Sumagot naman si Lapid na: “Gusto ko kasing malaman mo na mahal kita” na umani ng bahagyang tawanan.

Pabiro namang sinagot ni Senate President Alan Peter Cayetano na nagtataka siya na kahit sinabi na niya kay Lapid na tinawag niyang Kuya Lito na may gamot na siya sa cholesterol ay palaging sisig pa rin ang pinapadala sa kanya.

Sagot naman dito ni Senador Joel Villanueva, inilalapit lamang siya sa Diyos.

(DANG SAMSON-GARCIA)

50

Related posts

Leave a Comment