MGA EV BRAND SUPORTADO DOE SA PAGSUSULONG NG ELECTRIC MOBILITY

NAGPAHAYAG ng suporta ang iba’t ibang electric vehicle (EV) brands sa kampanya ng Department of Energy (DOE) para palawakin ang paggamit ng electric vehicles sa bansa.

Patunay rito ang malawakang partisipasyon ng EV manufacturers sa ika-10 Philippine International Motor Show (PIMS) 2026 na ginanap sa World Trade Center sa Maynila.

Ayon kay Energy Utilization and Management Bureau Director Patrick Aquino, mahalagang plataporma ang PIMS upang maipakita ang mga inobasyon at pag-unlad sa sektor ng transportasyon tungo sa mas episyente at makabagong mobility solutions.

Naging sentro ng eksibisyon ang electric mobility kung saan 17 global automotive brands ang nagpakita ng kani-kanilang produkto.

Kabilang sa mga dinagsa ng mga bisita ang VinFast na nagpakita ng iba’t ibang EV models kabilang ang VF 3, VF 6, VF 7, VF 9, Herio Green at Limo Green.

Pinukaw naman ng VinFast MPV 7 ang interes ng maraming pamilya dahil isa itong fully electric seven-seater vehicle na may hanggang 450 kilometrong driving range sa isang full charge at may kakayahang mag-fast charge sa loob ng humigit-kumulang 30 minuto.

Ayon kay VinFast Southeast Asia CEO Antonio Zara III, bahagi ng kanilang pakikilahok sa PIMS 2026 ang pagsuporta sa mga programa ng pamahalaan upang mapabilis ang paglipat ng bansa sa electric mobility.

Batay sa datos ng International Energy Agency, maaaring umabot sa 45 porsyento ng kabuuang vehicle sales sa Pilipinas ang electric vehicles pagsapit ng 2035 kung magpapatuloy ang suporta sa sektor ng electric mobility.

(JOCELYN DOMENDEN)

55

Related posts

Leave a Comment