TRIP TO VIETNAM NI ALIAS “HAIDEE,” NEGOSASYON SA KOTONGAN?

BISTADOR ni RUDY SIM

TILA naging kaduda-duda ang madalas na biyahe ni alias “Haidee” sa bansang Vietnam na utak umano ng pamemeke ng dokumento ng mga dayuhang kumukuha ng kanilang visa sa bansa kasabwat din ang ilang matataas na opisyales ng Bureau of Immigration, upang inguso sa tiwaling tauhan ng intelligence at division kung sino ang travel agencies na kanyang kalaban sa negosyo upang kotongan.

Naging usap-usapan ngayon sa BI na baka raw sa Vietnam isinagawa ni alias “Haidee” ang negosasyon para aregluhin ang foreign nationals na kabilang sa mga binawian ng visa ng ahensya, upang hindi ituloy na isama ang mga ito sa blacklist at ipatapon palabas ng bansa. Sino kaya ang nag-utos o kasabwat ni Haidee upang kotongan ng malaking halaga ang mga dayuhang nasa bansa?

Matatandaan, noong nakaraang taon ay lumiham sa BI ang abogado ng COMMSEC INC. upang ireklamo ang kanilang natuklasan mula sa Department of Labor and Employment, na nasingitan ang kanilang kompanya ng higit isang libong manggagawa na Chinese, Vietnamese, Indian at iba pa, na ayon sa ating source ay kagagawan ng isang talamak at matakaw sa salapi na opisyal ng BI at isang abogado umano na naging HOME alone.

Nais ng kompanya na ilagay sa blacklist ang mga dayuhang hindi tunay na kanilang manggagawa na ginamit lamang ang pangalan ng kompanya. Ngunit dapat din sigurong imbestigahan ng bagong kalihim ng DOLE na si dating Senador Francis Tolentino, kung paano nailusot na nabigyan ng Alien Employment Permit ang higit 1,200 foreign workers at sino ang hudas dito? Isang alias “BEBETH” umano mula sa NCR-DOLE, ang kasabwat na siyang naging susi, ang dapat imbestigahan ni Secretary Tolentino.

Bagama’t inalis na ni Tolentino ang pagproseso ng AEP sa NCR office, ay nagtalaga ito ng bagong hahawak ngunit tila naisahan itong bagong kalihim ng kanyang mga tauhan, na nag-suggest na ang bagong hahawak na magproseso ng alien employment permit ng mga dayuhan ay gagawin umano sa BF condominium na kalapit lamang ng BI. Hindi mo ba alam Sir, na maraming sindikato sa building na ‘yan na travel agencies na kasabwat nitong si Haidee?

Nakaraan lamang ay umaksyon ang BI at nagpalabas ng visa cancellation order laban sa 288 na foreign workers at binigyan ng 60 days upang lumayas sa bansa… hmm teka! Hindi ‘bat sabi ng COMMSEC INC. ay mahigit 1200 ang nakalusot na nabigyan ng DOLE ng AEP, bakit 288 lamang ang inyong inilagay sa blacklist? Anyare, nasaan ‘yung iba? Ito kayang hindi naisama sa listahan ang inaayos ni Haidee sa Vietnam kung magkano ang aregluhan para hindi isama sa blacklist?

Sino kaya itong si Torne Tons mula sa Office of the Commissioner, ang kasabwat umano ni Haidee upang mapabilis ang proseso ng kanyang mga papeles at pikit-mata upang hindi na silipin ang mga kaduda-dudang dokumento ng mga dayuhan na pineke ng reyna ng huwad.

(Ang mga ipinapahayag sa kolum na ito ay sariling opinyon ng sumulat at hindi saloobin ng pahayagang SAKSI Ngayon – Patnugot)

128

Related posts

Leave a Comment