2 ESKWELAHAN SA CAVITE NAKATANGGAP NG PAGBABANTA

DALAWANG eskuwelahan sa lalawigan ng Cavite ang nakatanggap ng magkahiwalay na pagbabanta, sinabing may sasaksakin na estudyante, habang ang isa naman ay umano’y pasasabugin.

Ayon sa ulat, dakong ala-1:50 ng hapon nang nakatanggap ang isang guro mula sa Cavite National High School sa Barangay 31, Cavite City, ng mensahe mula sa Facebook account ng isang Agatha Pacho na nakasaad na, “Sabihin mo sa Principal kapag di niya sinuspinde bukas, mananaksak ako.”

Gayunman, ang nasabing eskuwelahan ay naka-Modular Distance Learning (MDL) simula pa noong nakaraang linggo kaya wala pang mga estudyanteng pumapasok.

Ang nasabing pagbabanta at ini-report na lamang sa Cavite Component City Police Station.

Sa Paradahan Elementary School sa Brgy. Paradahan 1, Tanza, Cavite, isang message naman mula sa Facebook account ng isang Lee Kayokran, ang nagsabing “May bombang iniwan ngayon sa Paradahan Elementary School sa likod ng Kinder at Grade 1. Inihagis, Ingat.” Ang nasabing mensahe ay natanggap ng barangay chairman ng Paradahan 1, Tanza, Cavite bandang alas-5:30 ng hapon.

Agad namang ini-report ng nasabing barangay chairman ang insidente sa sa Tanza Municipal Police Station na nakipag-ugnayan sa principal ng eskuwelahan kung saan agad na nagsagawa ng beripikasyon at imbestigasyon.

(SIGFRED ADSUARA)

94

Related posts

Leave a Comment