PRIDE PARADE AT BB. BAHAGHARI, IDINAOS SA LAS PIÑAS

BAGAMA’T lumipas na ang Pride Month noong Hunyo, ipinagdiwang pa rin ng Villar Foundation ang diwa ng pagmamahal, paggalang, pagkakapantay-pantay at pagtanggap sa pamamagitan ng PRIDE Parade at taunang Bb. Bahaghari Awards sa Las Piñas.

Dinaluhan ng mga kinatawan mula sa 20 barangay ng Las Piñas ang programa na ginanap noong Hulyo 4 sa Villar Foundation Complex.

Pinangunahan nina Villar Foundation Managing Director at dating Senadora Cynthia Villar at Senador Mark Villar ang paggawad ng parangal sa mga natatanging miyembro ng LGBTQIA+ community ng Las Piñas bilang pagkilala sa kanilang ambag sa iba’t ibang sektor ng lipunan.

Kinoronahan namang Bb. Bahaghari 2026 si Honey Manzano ng Barangay Ilaya.

Nakuha ni Francine Erich Arcilla ng Barangay Talon 4 ang titulong first runner-up, habang second runner-up naman si Jang Lupango ng Barangay Manuyo Dos.

(DANNY BACOLOD)

72

Related posts

Leave a Comment