MGA KAANAK NG POLITICAL PRISONERS NAGPASAKLOLO SA DOJ

HUMINGI ng tulong sa Department of Justice (DOJ) ang mga kaanak ng ilang political prisoners upang ipahinto ang umano’y sapilitang paglilipat ng mga bilanggo sa malalayong regional penal colonies.

Naghain sila ng urgent petition sa DOJ upang manatili sa New Bilibid Prison (NBP) ang 45 political prisoners at gawing requirement ang nakasulat na pahintulot ng persons deprived of liberty (PDLs) bago ilipat sa ibang kulungan.

“Very disrupted and, more than the disruption and the instability, it’s the cruelty. Napakalupit yung ginagawa nilang forcible na sapilitan na pagpapalipat,” ayon kay KAPATID spokesperson Fides Lim.

Hindi rin sang-ayon si Lim sa pahayag na bahagi ng decongestion program ng NBP ang mass transfer ng mga bilanggo.

“Ang ginagawa nila, they simply export PDLs as if they are work animals or cargo when in fact they are moving them from one congestion to even worse congestion. It is not the solution. It does not solve and in fact it only worsens congestion. Hindi ibig sabihin out of sight, out of mind,” dagdag niya.

Ayon pa kay Lim, dahil sa paglilipat ng mga bilanggo sa malalayong piitan ay lalo silang nailalayo sa kanilang mga pamilya. Aniya, mahihirapan ang kanilang mga kaanak na makadalaw at makapagbigay ng agarang suporta sakaling magkasakit ang mga ito.

Batay sa datos ng Bureau of Corrections (BuCor), nasa 16,530 bilanggo mula sa New Bilibid Prison ang nailipat sa iba’t ibang regional penal facilities simula noong 2022.

(JULIET PACOT)

96

Related posts

Leave a Comment