NAKUMPISKA ng Criminal Investigation and Detection Group (CIDG), katuwang ang National Meat Inspection Service (NMIS) ng Department of Agriculture (DA), ang mahigit 4.4 toneladang hinihinalang botcha na nagkakahalaga ng P1.3 milyon sa Dasmariñas City, Cavite.
Isinagawa ang operasyon sa loob ng KADIWA Public Market, Basement 2, sa bisa ng mission order na inilabas ng NMIS.
Ayon sa mga awtoridad, bukod sa hinihinalang mishandled ang mga karne, hindi rin umano ito rehistrado at walang tatak na nagpapatunay na dumaan sa inspeksyon ng NMIS.
Kasunod ng operasyon, nagbabala ang CIDG at NMIS sa publiko laban sa pagbili ng mga botcha na ibinebenta sa murang halaga sa mga pamilihan.
Binigyang-diin ng mga awtoridad na hindi ligtas kainin ang naturang mga karne at maaaring magdulot ng panganib sa kalusugan ng sinumang makakakonsumo nito.
(TOTO NABAJA)
106 