MAHIGIT 700 pasahero ang pinababa sa MRT-3 train matapos makaranas ng electrical failure sa northbound train, Miyerkoles ng umaga.
Sinabi ng MRT-3 managerment na ang electrical failure ay dahil sa mga sirang subcomponents.
Huminto ang northbound train sa pagitan ng Buendia at Guadalupe station bandang alas-8 ng umaga.
Minabuti ng ilang pasahero na maglakad na lamang sa riles habang ang iba ay bumaba sa Guadalupe station habang umandar ang depektibong train ng alas-8:25 ng umaga.
Ang mga pasahero ay nakasakay sa sumunod na train tatlong minuto makalipas nito. “We apologize for the inconvenience,” ayon sa management.
