EMPLOYER NG ZH&K MOBILE ‘DI REHISTRADO AYON SA SSS

Misyon Aksyon

Ito po ang kasagutan ng pamunuan ng SSS sa artikulong “DILG usec. Dino umaksyon; ZH&K mobile lumabag sa DO 168 na lumabas noong June 22, 2019 sa Misyon Aksyon.

Ginoong Petil:

Ang liham na ito ay aming tugon sa problemang idinulog sa inyong pitak noong ika-22 ng Hunyo ng isang empleyado ng ZH&K Mobile tungkol sa hindi pagkakaltas at paghuhulog ng social security contributions ng kanilang employer.

Sinubukan naming i-verify sa aming system ang employer name na ZH&K Mobile ngunit walang lumabas na ganoong pangalan ng employer. Maaaring ito ay dahil sa hindi pa inirerehistro sa SSS ang nasabing kompanya. Hindi pa namin ito masiguro nang husto dahil hindi sapat ang detalyeng ibinigay ng empleyado.

Sa ilalim ng Batas Republika Bilang 11199 o Social Security Act of 2018, ilan sa mga tungkulin ng mga employer ang pagpaparehistro sa SSS; pagre-report ng lahat ng kanilang empleyado para sa coverage gamit ang Employment Report Form sa loob ng 30 araw mula sa pagkatanggap sa trabaho; at pagkaltas sa sahod ng kanilang mga empleyado ng buwanang SS contributions, punan ang mga ito ng employer share, at isumite sa SSS.

Iminumungkahi namin sa empleyado na pumunta sa SSS branch na nasasakupan ang address ng kanilang employer, makipag-ugnayan sa Accounts Management Section at mag-file ng formal affidavit of complaint.

Nais lang naming ipaalam na walang dapat ikabahala ang mga empleyadong nais magreklamo laban sa kanilang employer dahil ipinatutupad ng SSS ang tinatawag na “rule on anonymity”. Dahil dito, hindi malalaman ng kanilang mga employer na mayroong nagreklamo laban sa kanila.

Ang mga magpa-file ng affidavit of complaint ay kailangang magpakita ng proof of employment mula sa inirereklamong kompanya gaya ng company ID at pay slip.

Kung?mapapatunayan na ang kanilang employer ay lumabag sa SS Act of 2018, sinisiguro naming gagawan ito ng SSS ng karampatang aksyon.

Prayoridad ng aming ahensya na ang bawat miyembro at karapat-dapat na miyembro nito ay mabigyan ng social security protection.

Maraming salamat.

Sumasaiyo,

(Sgnd.) MAY ROSE DL FRANCISCO, Acting Department Manager, Media Affairs Department

Noted:

(Sgnd.) MA. LUISA P. SEBASTIAN, Vice President, Public Affairs and Special Events Division

Bukas po ang aking kolum para sa inyong panig at kapaliwagan. Note: Problema sa SSS, GSIS, PAG-IBIG? homeowners at iba pa. cellphone no. smart 09420874863 / 09755770656 EMAIL ADDRESS: Misyonaksyon@yahoo.com / arnel_petil@yahoo.com / arnelpetil12@gmail.com. http://misyonaksyon.blogspot.com (Misyon Aksyon / ARNEL PETIL)

125

Related posts

Leave a Comment