TSINOY SA DROGA; IPAKAIN SA PATING! – DU30

duterte123

(NI CHRISTIAN DALE)

IPATATAPON sa ilog Pasig at ipakakain sa pating ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte ang mga dayuhang nasa bansa lalo na Tsinoy na masasangkot sa ilegal na droga.

Aniya, malaki ang Ilog Pasig para pagtapunan kahit 10 katao o kaya maging pagkain ng mga gutom na pating sa Manila Bay.

“Pasig River is big enough to accommodate 10 people every time you throw them, or the sharks of Manila Bay are getting hungry. They are not well fed and a human flesh will fatten them, I suppose,” ayon sa Pangulo.

Sa naging talumpati ng Pangulo sa pagbubukas ng Golden Topper, isang malaking Chinese company sa Aseana Business Park sa Parañaque City kagabi, sinabi nito na kinikilala niya ang potensiyal ng mga negosyong binubuksan sa bansa dahil nakatutulong ito sa mga Pilipino subalit siguruhin lamang na huwag magkamaling gamitin ang mga gusali para maging kanlungan ng mga undocumented Chinese worker o gawaan ng iligal na droga dahil papatayin niya ang mga ito.

Aniya, wala siyang pakialam kahit nakikinig ang United Nations sa banta niyang ito.

“If you go into drugs, if you are a drug lord and if I’d catch you importing or manufacturing drugs in this country and you destroy my country in the process, I will kill you. Even if the United Nations is listening, I will kill you,” ang pahayag ng Chief Executive.

192

Related posts

Leave a Comment