INCOME INEQUALITY SA PILIPINAS, MAAARING LUMAKI PA AYON SA PAG-AARAL

Maging Wais Ka-2

Ito ang sinabi ng isang sikat ne ekonomista na si Dudley Seers. Ito rin ang saloobin ng karamihan sa atin na hindi numero o statistics ang nagsasabi ng tunay na kaunlaran ng isang bansa, kundi ang kalagayan ng pamumuhay ng mga taong namumuhay dito.

Kaya’t madalas na kahit sabihin ng mga ekonomista na maunlad na ekonomiya ang sinasabi ng mga numero, marami ang umaalma. Ang pag-alma ay laging nagmumula sa mga kumakalam ang sikmura, mga pagod sa trabaho kapalit ang kusing o barya, at mga sabik na matugunan ang disenteng pamumuhay.

Ayon sa pag-aaral ni Roehlano Briones at ng kanyang mga kasamahan na Understanding the New Globalization: Implication for the Philippines, na inalabas kamakailan sa website ng Philippine Institute and Development Studies (PIDS), maliban sa mahinang pagkakabuklud-buklod at kawalan ng tiwala sa mga institusyon, isa pang katangian ng modernong globalisasyon na ating mararanasan ay ang paglala ng income inequality o kapasidad na gumastos at magkaroon ng disenteng pamumuhay. Sa tinutukoy na globalisasyon, ang pag-unlad ay hindi magiging para sa lahat kung ito ay hindi mapaghahandaan ng lahat.

Ginagawan naman ng paraan ng maraming bansa gaya ng Pilipinas na magkaroon ng mga inclusive na programa at polisiya. Hindi mawawala sa isyu ng lipunan ang isyu ng income inequality. Ang mga mayaman lang daw ang nabibigyan ng choices sa buhay at ang mahihirap ay magtitiis lang.

May apat na income inequality drivers na sinabi sa pag-aaral. Una, kung mapapansin maraming mauunlad na bansa na inaangkat na ang labor sa mga paunlad pa lamang na bansa. Gaya na lamang ng business process outsourcing o BPO. Mababa lamang kasi ang labor cost sa Pilipinas. Maaaring lumalaki ang inequality sa pagitan ng mauunlad at paunlad palang na bansa. Ngunit kung tutuusin, nabibigyan rin ng pagkakataon na magtrabaho at kumita nang disente ang mga hindi nakatapos sa mga BPO gaya ng call centers.

Pangalawa, may mga sitwasyon na hindi kakampi ng low skilled laborers ang teknolohiya, ito ay dahil maaari silang mawalan ng trabaho dahil sa automation.

Pangatlo ay mga pagbabago sa labor market institutions. Minsan kahit na gustuhin mang iangat ang minimum wage ng laborers, hindi naman ito makakatulong na palakasin ang job generation mula sa ibang bansa, dahil kung mamamahalan sa sweldo sa Pilipinas ang dayuhang investors, hindi na nila dito ibubuhos ang trabaho at maaring ikapilay ito ng ekonomiya.

Panghuli, financial deepening o pagdami ng financial transaction ng mga tao. Ngunit, sabi nga sa pag-aaral, mas malaki ang posibilidad na ang may mga kakayahang pinansyal lang ang magkakaroon ng access sa sa financial sector. Kadalasan, ito ay ang mga may pinag-aralan. Kung dati ay banko lang ang alam nating financial institution, ngayon ay marami na dahil sa teknolohiya.

Para sa komento, at suhestiyon maaaring mag email sa Ilagan_ramon@yahoo.com or magmensahe sa FB: Mon Ilagan Account Two  (Maging waIs Ka! / Mon A. Ilagan, MPM)

439

Related posts

Leave a Comment