BOC SUMAILALIM SA REVENUE COLLECTION WORKSHOP

BOC-11

Sumailalim sa isang workshop ang mga kawani ng Bureau of Customs (BOC) partikular ang nasa Entry Processing Unit (EPU) at Liquidation and Billing Division (LBD) ng lahat ng ports para mapaganda at mapataas pa ang kani-kanilang revenue collections.

Nasentro ang workshop sa usaping may kinalaman sa pagpapaganda ng serbisyo publiko, revenue collection  at pagpapalakas ng kalakalan  na makatutulong upang mapondohan ang mga proyekto ng gob­yerno.

Ang nasabing workshop  na isinagawa noong nakaraang Oktubre 11 ay  pinangasiwaan ng Assessment and Operations Coordinating Group  bilang bahagi pa rin ng isinusulong na 10-Point Priority Program  ng ahensiya.

Sa pamamagitan nito,  magkakaroon ng malawak na kaalaman ang mga kawani pagdating sa  panuntunan, polisiya, batas at pamamaraan kaugnay ng eksaminasyon ng mga dokumento sa ‘import documents, assessment of goods, profiling at iba pang mga tungkulin.

Dahil dito, inaasahan na  ang lumahok ay magiging epektibo sa kanilang pagganap sa tungkulin para sa mas lalo pang maayos na kalakalan at mas mataas na revenue collection para sa pagpapalago ng ekonomiya ng bansa.

Lumahok sa workshop ang 66 kawani ng  EPU at LBD  na galing sa lahat ng ports ng Bureau. (Boy Anacta)

280

Related posts

Leave a Comment