PRODU-DIRECTOR KUMITA NG LIMPAK-LIMPAK

Atty Joji Alonso

oleaGumastos ang movie producer na si Atty. Joji Alonso ng P3.5M para sa (K)AMPON na nag-first shooting day na. Bida sina Kris Aquino at Gabby Concepcion sa nasabing film project.

Naligwak sa MMFF 2019 ang nasabing horror project, kaya hindi na natuloy ang shooting niyon.

In-invest na lang ni Atty. Joji ang pera niya sa pelikulang The Panti Sisters, na kumita ng limpak-limpak sa 3rd Pista ng Pelikulang Pilipino.

Blessing-in-disguise na na-shelve ang (K)AMPON.

FIESTA SA KATAWANG LUPA NI MARCO SA NETFLIX

JUST A STRANGERNasa Netflix na ang hit movie na Just A Stranger. Pinagpipistahan ng mga Vadinger Z ang katakam-takam na katawang lupa ni Marco Gumabao. Pwetmalu! Talap-talap…

Nagulat si Migo Adecer na palabas pa rin hanggang ngayon ang FPJ’s Ang Probinsyano na pinagbibidahan ni Coco Martin. Umpisa sa Lunes, kabakbakan ng teleserye ni Coco ang Kapuso primetime series na Anak ni Waray vs Anak ni Biday, kung saan kasali si Migo at ang pangalan ng karakter niya ay Coco…

Save the date! Pebrero 9 ang 4th Film Ambassadors Night ng FDCP (Film Development Council of the Philippines). Ikinakasa na rin ng FDCP ang 4th Pista ng Pelikulang Pilipino sa Setyembre 11-17, 2020, na bale pagtatapos ng Sine Sandaan…

PINUSUAN ANG NEW TV SHOW NINA GERALD AT CARLO

Ayon sa National TV Ratings (Urban + Rural) ng Kantar Media noong nakaraang linggo, Enero 13-17, wagi sa timeslot nito ang finale week ng The Killer Bride nina Maja Salvador, Janella Salvador, Joshua Garcia at Geoff Eigenmann.

Enero 13, Lunes, 18.0% ang The Killer Bride, kontra sa 12.3% ng One of the Baes.

Enero 14, Martes, 18.2% ang The Killer Bride, kontra sa 11.9% ng One of the Baes.

Enero 15, Miyerkules, 17.6% ang The Killer Bride, kontra sa 12.4% ng One of the Baes.

Enero 16, Huwebes, 19.1% ang The Killer Bride, kontra sa 11.8% ng One of the Baes.

At Enero 17, Biyernes, 19.3% ang huling episode ng The Killer Bride, kontra sa 12.1% ng One of the Baes.

Gerald Anderson-Carlo AquinoAng kapalit ng The Killer Bride ay ang A Soldier’s Heart nina Gerald Anderson at Carlo Aquino. Kumusta kamo ang pagtibok nito?

Noong Enero 20, Lunes, naka-19.8% ang A Soldier’s Heart, kontra sa 11.7% ng One of the Baes.

Noong Enero 21, Martes, naka-18.6% ang A Soldier’s Heart, kontra sa 11.3% ng One of the Baes.

Pinusuan din ng televiewers ang A Soldier’s Heart.

Syempre, undisputed champion pa rin sa ratings ang FPJ’s Ang Probinsyano ni Coco Martin, at pangalawa ang Make It With You nina Liza Soberano at Enrique Gil.

Sa mga panghapong drama, umarangkada pa rin last week ang Prima Donnas ng GMA 7, kontra sa madalas na katapat nito na Kadenang Ginto. May mga pagkakataon kasi na katapat o ka-overlap ng Prima Donnas ang huling bahagi ng It’s Showtime.

Enero 13, Lunes, 16.5% lang ang Kadenang Ginto, kumpara sa 19.2% ng Prima Donnas.

Enero 14, Martes, 16.0% ang Kadenang Ginto, kumpara sa 18.2% ng Prima Donnas.

Enero 15, Miyerkules, 16.7% ang Kadenang Ginto, kumpara sa 17.4% ng Prima Donnas.

Enero 16, Huwebes, 17.6% ang Kadenang Ginto, kumpara sa 18.5% ng Prima Donnas.

Enero 17, Biyernes, 17.9% ang Kadenang Ginto, kumpara sa 16.8% ng Prima Donnas.

Enero 20, Lunes,  18.0% ang Prima Donnas, kumpara sa 15.8% ng Kadenang Ginto.

Enero 21, Martes, 17.0% ang Prima Donnas, kumpara sa 16.3% ng Kadenang Ginto.

Nakabawi ang Gold Squad last Friday, pero nalugmok muli.

Ma-extend kaya ang Prima Donnas, kung saan lucky charm si Aiko Melendez?

Exciting ang mga kaganapan sa local TV. Finale na ng Beautiful Justice mamayang gabi sa GMA 7, at sa Monday night ay magpapakitang-gilas na ang Anak ni Waray vs Anak ni Biday na pagbibidahan nina Barbie Forteza at Kate Valdez.

Ang conflict ng kuwento ay mag-uumpisa sa magkaibang matalik na sina Amy (Max Collins) at Susie (Lovi Poe), na kapwa iibig at mabubuntis ni Joaquin (Jason Abalos), kaya magiging mortal na magkaaway.

ARANETA CITY’S CHINESE NEW YEAR CELEBRATION

Araneta City joins the celebration of the Chinese New Year on January 25, 2020, with new beginnings and renewals spurred by the White Metal Rat.

To invite prosperity this Chinese New Year, Chinese dragons and lions and Chinese Drummers will be performing in all malls, hotels, and residential buildings in the City of Firsts.

Good luck and fortune await shoppers and patrons of Gateway Mall, Ali Mall, and New Farmers Plaza on Chinese New Year.

They will get a chance to hear from Feng Shui Master Hanz Cua, or get exclusive sessions with tarot card reader Rob Rubin.

Participants will also have a chance to join the tassel knot décor making contest, take selfies or groupies in the Chinese New Year-themed photobooth, and enjoy many more exciting surprises.

To participate, one simply has to present a minimum single-receipt purchase of Php 500 from any Araneta City establishment in registration tables at the activity area of these malls from 11:00 AM to 3:00 PM on January 25.

Hopia brand Eng Bee Tin is also expected to shower blessings on Chinese New Year. A minimum single-receipt purchase of Php 250 from any Araneta City food courts and Dampa entitles one with a free regular pack of Eng Bee Tin in any of its classic variants -– monggo, ube, buko or pandan. (PROOOF / Jerry Olea)

141

Related posts

Leave a Comment