PAGBAWI SA PRANGKISA ITUTULAK NG SOLON; P33.98B ‘UTANG’ NG NGCP SA PUBLIKO

TINIYAK ni Sen. Sherwin “Win” Gatchalian na hindi niya titigilan bagkus magsasagawa pa nang mas malalim na imbestigasyon sa pagkontrol ng China sa National Grid Corporation of the Philippines (NGCP) dahil sa paglabag nito sa Saligang Batas.

Sa pahayag, sinabi ni Gatchalian na sakaling mapatunayang lumabag sa Saligang Batas ang NGCP, malamang na bawiin ang prangkisa nito bilang public utility.

“Maraming violations lalong-lalo na sa mga dayuhan na nasa critical positions like management and executive positions. Yung audit ang magpapatunay na merong violations. Importante na magkaroon tayo ng proseso na i-audit sila, i-inspect at tingnan ang mga document. Kapag napatunayan na may violations, lalo na sa Constitution, pwede natin i-revoke ang kanilang franchise,” ayon kay Gatchalian.

Kamakailan, iginisa ng Senado ang ilang opisyal ng NGCP sa ginanap na pagdinig dahil tumatanggi itong magsagawa ng system audit ang National Transmission Corporation (Transco) at Department of Energy (DOE) sa operasyon nito sa harap ng pangambang kontrolado at pinatatakbo ito ng China sa pamamagitan ng State Grid Corporation of China or SGCC.

Sa susunod na pagdinig, tutukuyin ni Gatchalian kung tumutupad ang NGCP sa mga itinakda ng Saligang Batas sa ilalim ng prangkisa nito tulad ng maghandog ng Initial Public Offering (IPO).

“The NGCP should have already commenced with its IPO, especially after its ten-year deadline has lapsed last December 19, paliwanag ni Gatchalian.

Aniya, ipinagkakait ng NGCP sa mga Filipino ang kanilang fair share sa kompanya.

Tinatayang makatatanggap ang publiko ng P33.98 bilyon sa dibidendo o 20% ng kabuuang cash dividends ng NGCP sa nakalipas na 9 na taon kung nagkaroon ng IPO sa simula ng operasyon ng kompanya.

Aalamin din ni Gatchalian sa Energy Regulatory Commission (ERC) kung may pangangailangan na magkaroon ng update sa progreso ng petition ng NGCP, papanagutin sa regulatory delays at kung ano ang hakbang na isinagawa upang malutas ito.

“They have just barely scratched the surface of the problems and issues that hound the power utility,” giit niya. Estong Reyes

168

Related posts

Leave a Comment