ARESTADO ang isang electrician makaraang pasukin ang pagtutulak ng ilegal na droga para masuportahan ang kanyang live-in partner sa Las Piñas City.
Ang suspek na kinilalang si Alden Recto, 40-anyos, ay nadakip sa ikinasang buy-bust operation sa #1 Torch Lilly St., Talon Village, Brgy. Talon 4 ng nasabing lungsod.
Nakumpiska mula sa suspek ang apat na sachet ng umano’y shabu na tinatayang P102,000 ang street value.
Napag-alamang mahina ang kontrata sa trabaho ni Alden bilang electrician at hirap buhayin ang live-in partner kaya pinasok ang pagtutulak ng ilegal na droga.
Ayon kay P/Col. Segundo Lagundi Jr., hepe ng Las Piñas City Police, ang suspek ay sasampahan ng kasong paglabag sa Sec. 5 at 11 ng Art. II ng RA 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002. (DAVE MEDINA)
204
