NEGOSYANTENG BAON SA UTANG NAGBIGTI

CAGAYAN – Nagpasyang magbigti ang isang negosyante dahil sa pagkakabaon sa utang na hindi niya mabayaran, iniulat nitong Sabado ng umaga sa lalawigang ito.

Kinilala ang biktimang si Nicanor Melad, 53, negosyante, at residente ng Brgy. Virginia Sto. Niño, Cagayan.

Batay sa report ng Sto. Niño Police Station, natagpuan na lamang ng kanyang pamangkin ang biktima habang nakabitin sa tindahan nito at wala nang buhay.

Lumabas sa imbestigasyon, lubog umano sa utang ang biktima at hindi sapat ang kinikita ng tindahan nito para magbayad.

Kuwento pa ng kaanak at kaibigan ng biktima, bago ang insidente, nagbitiw ng salita sa kanila si Melad na kapag hindi mabayaran ang kanyang mga utang ay mas mabuti pang siya ay magpakamatay.

Patuloy ang imbestigasyon ng pulisya sa nasabing insidente. (ANNIE PINEDA)

 

394

Related posts

Leave a Comment