ISA si five-time NBA champion Kobe Bryant sa walong finalist na kabilang sa 2020 Basketball Hall of Fame inductees.
Si Kobe, 41, nasawi noong nakaraang buwan nang bumagsak ang helicopter na sinasakyan kasama ang anak na si Gianna at pitong iba pa, ay halos tiyak nang mapapabilang sa hanay ng mga batikang sports personalities sa honor shrine sa Springfield, Massachusetts.
Nakatakdang ihayag ang Hall of Fame inductees sa Abril 4 sa Atlanta sa US college ‘Fina Four’ kung saan 18 sa 24 vites mula sa Honors Committee ang kinakailangang lumahok sa listahan.
Magaganap naman ang enshrinement sa isang seremonya sa Springfield sa Agosto 28-30.
Bukod kay Bryant, na 18-time NBA All-Star at one-time NBA MVP, kasama rin sa first-time finalists sina 15-time NBA All-Star at three-time NBA Finals Most Valuable Player Tim Duncan, 15-time NBA All-Star at nine-time NBA All-Defensive First Team selection Kevin Garnett at 10-time Women’s NBA All-Star at four-time Olympic champion Tamika Catchings. (VT ROMANO)
