7 ARESTADO SA P2.9-M SHABU SA TAGUIG

ARESTADO ang pitong suspek sa drug buy-bust operation dakong alas-7:30 ng gabi noong Lunes sa Jolo Sulu St., Quiapo Dos, Barangay Maharlika, Taguig City.

Kinilala ang mga suspek na sina Saner Guipal, Mohammad Adjaluddin, Butch Oyo, Arapat Samama, Hans Joseph Casiano, Johanna Usman at Rashid Biri.

Nakumpiska mula sa mga suspek ang 433.02 gramo ng umano’y shabu na tinatayang P2,944,536 halaga.

Nauna rito, nagsagawa ng surveillance operation at test buy ang mga tauhan ng Station Drug Enforcement Unit (SDEU), sa pangunguna ni Percival Cariño, sa ilalim ng liderato ni P/Cpt.  Ariel Ilaga, chief ng SDEU, at sa pakikipagtulungan ng mga ahente ng PDEA RO-NCR Southern District Office, na nagresulta sa pagkakaaresto sa mga suspek. (DAVE MEDINA)

 

139

Related posts

Leave a Comment