PAGCOR nagpadala ng ayuda sa mga biktima ng lindol sa Mindanao

Ikinakarga ng mga volunteer ng PAGCOR ang libo-libong food pack sa mga truck para ihatid sa mga lugar sa Mindanao na naapektuhan ng magnitude 7.8 na lindol.

Aabot sa 10,500 food packs ang ipinadala ng Philippine Amusement and Gaming Corporation (PAGCOR) sa mga lugar sa Mindanao na naapektuhan ng magnitude 7.8 na lindol.

Ayon kay PAGCOR Chairman at CEO Alejandro H. Tengco, layunin ng ayuda na makatulong sa mga pamilyang nagsisikap makabangon mula sa hagupit ng kalamidad.

“During times of calamity, we assure our kababayans that PAGCOR is always ready to provide help,” ani G. Tengco. “We hope and pray that affected individuals and families will soon be on their way to recovery and normalcy.”

Ipamamahagi ang mga ayuda sa General Santos City, Mati City, Davao Oriental, Office of Civil Defense (OCD) Region XII, at sa ikalawang distrito ng Davao Oriental.

Makatatanggap ng tig-3000 food packs ang  General Santos City, Mati City, at OCD Region XII, habang 1,500 naman ang inilaan sa ikalawang distrito ng Davao Oriental sa pamamagitan ng tanggapan ni Rep. Cheeno Almario.

Niyanig ng magnitude 7.8 na lindol ang karagatan malapit sa Maasim, Sarangani noong Hunyo 8, kung saan umabot sa Intensity VII ang naramdamang pagyanig sa General Santos City.

Mahigit 173,000 pamilya ang naapektuhan ng lindol na nagdulot ng pagkasawi, pagkasira ng mga ari-arian, at sunod-sunod na aftershock sa ilang lugar.

78

Related posts

Leave a Comment