20 OPISYAL, KAWANI KINASUHAN ANOMALYA SA CT SCAN SA NCMH

SINAMPAHAN ng patung-patong na kaso ng National Bureau of Investigation-Anti-Graft Division (NBI-AGD) sa Office of the Ombudsman ang dalawampung opisyal at kawani ng National Center for Mental Health (NCMH).

Kasama sa kinasuhan ang tatlo umanong kasabwat ng mga ito sa pagbili ng mahigit P30, 407, 706.25 CT Scan equipment na hindi naman napapakinabangan.

Tinukoy ng NBI ang mga kinasuhan na kinabibilangan ni: Dr. Bernardino Vicente, retiradong chief II ng NCMH at mga kasalukuyang opisyal na sina Dr. Beverly Azucena, Clarita Avila, Dionisio Tolentino, CPA Dulce Valerio, Godofredo Valles, Dr. Jenkin Go, Engr. Esteban Gamurot, Dr. Alden Cuyos, Dr. Jumelyn Perez,  Dr. Cynthia Agustin, Ms. Belma Cruz, Ms. Publio Plotena, Dr. Christopher Christian Chu, Jerry Rodriguez, Arturo Salcedo, Dr. Evelyn Belen, , Engr. Darwin Pastor, Solidad Yambao, Maria Charina Concepcion Aberin kasama ang tatlong pribadong indibidwal na sina Portia Baviera, Technomed International Inc., Ronald Tan, general manager ng RJJL Construction and Trading at Ronald Allan Gacoscos, general manager ng Gacoscos Construction.

Sinampahan sila ng NBI -Anti Graft Division ng mga kasong paglabag sa anti-graft and corrupt practices act at government procurement law at gross negligence base sa reklamo ng Employees Union Association ng NCMH na tumatayong complainant sa kaso at nagbunyag na may iregularidad sa biniling CT scan equipment na ‘non-functional at inoperability’.

Noong Hulyo 15, 2019 ay nasampahan na rin ng kasong criminal sa Ombudsman ang mga retiradong opisyal ng NCMH at Octant Builders dahil sa iregularidad umano sa pagtatayo ng NCMH Pavillion 6 na nagkakahalaga ng P60,415,183.22.

Si Avila ay incorporator ng Octant Builders. RENE CRISOSTOMO

247

Related posts

Leave a Comment