BUCKS UMABANTE SA NBA PLAYOFFS

PASOK na sa National Basketball Association (NBA) playoffs ang Milwaukee Bucks.

Nabatid na Milwaukee ang team na pinakamabilis na nakarating sa playoff berth sa loob ng 15 taon, ayon sa Elias Sports Bureau research.

Mayroon pang 55 araw bago ang NBA postseason.

Sa ngayon ay may 48-8  record ang Bucks at nasa tamang direksyon na makaabot sa 70 games na panalo.

Tanging 1995-96 Chicago Bulls ang NBA team na nakapagtala ng 72 wins, na hinigitan ng Golden State Warriors (73 wins) noong 2015-16 season.

Ang Bucks, nangungunang team sa NBA ngayong season, ay pinangungunahan ng last year’s  regular season MVP na si Giannis Antetokounmpo.

Ayon sa mga basketball analyst, malaki ang posibilidad na mag-back-to-back MVP ang tinaguriang “Greek Freak” na nag-average ng 30 points, 13.6 rebounds, 5.8 assists, 1.1 steals at 1.1 blocks sa 30.9 minutes per game. Siya rin ay may 32.49 player efficiency rating (PER), pinakamataas sa NBA history, ayon sa Basketball-Reference.com data.  (EBG)

182

Related posts

Leave a Comment