P3.4-M SHABU NAKUMPISKA SA OPERASYON

3 NASAKOTE NG QCPD, PDEA

INARESTO ng pinagsanib na puwersa ng Quezon City Police District (QCPD)  at Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) ang tatlong lalaking nakumpiskahan ng P3,400,000 halaga ng shabu sa isininagawang buy-bust operation sa Novaliches, Quezon City kamakalawa.

Kinilala ang mga suspek na sina Karen Leal, 32, alias Michelle; John Rhens Timing, 20, at Jason Ymalay, 26, pawang ng Novaliches, Q.C.

Ang mga suspek ay inaresto sa harap ng isang convenience store sa Barangay Kaligayahan, Novaliches matapos iabot sa isang poseur buyer cop ang P500,000.00 halaga ng shabu.

Maliban sa naunang iniabot sa droga, nabawi rin mula sa mga suspek ang 500 gramo ng shabu na nagkakahalaga ng mahigit P2,900,00, marked money at cellular phone na gamit sa drug deal.

Nakahaharap ang mga suspek sa kasong paglabag sa Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002 na nakapiit sa Quezon City Police Station. Fred Salazar

367

Related posts

Leave a Comment