INILABAS ng Malakanyang ang guidelines na susundan ng mga awtoridad sa paiiraling community lockdown sa kalakhang Maynila simula ngayong araw.
Ang nilalaman ng Memorandum, na nilagdaan nitong Marso 13, ayon kay Presidential spokesperson Salvador Panelo ay pangunahing layunin na tugunan ang paglaganap ng coronavirus disease (COVID-19) sa bansa.
Ang mahigpit na social distancing measures na ipatutupad sa National Capital Region (NCR), epektibo ngayon, Marso 15, 2020 hanggang Abril 14, 2020, ay ang mga sumusunod:
1. Mass gatherings gaya ng movie screenings, concerts, sporting events at iba pang entertainment activity, community assemblies, at non-essential work-related gatherings ay ipinagbabawal.
Ang essential work-related meetings at religious activities ay maaaring ipagpatuloy ngunit dapat panatiliin ang distansiya ng ” at least (1) meter radius” sa pagitan ng mga dadalo sa nasabing pulong o event.
2. Kailangang sumunod ang Local Government Units (LGUs) sa direktiba ng Department of Health (DOH) at Department of the Interior and Local Government (DILG) sa ipinatutupad na general community quarantine sa kani-kanilang mga hurisdiksyon.
Sa gayon, subject sa qualifications na ibinibigay ng IATF, ang lahat ng lugar sa ilalim ng general community quarantine ay kailangan ipatupad ang sumusunod :
a. Paghihigpit sa non-essential entry ng mga tao sa contained area, lalo na iyong “at high risk” na infected (i.e., 60 years old pataas, immunocompromised o may co-morbidities at mga buntis), maliban sa (1) health workers, (2) authorized government officials, (3) iyong mga bumi-byahe para sa medical o humanitarian reasons, (4) mga taong papunta ng airports para bumiyahe patungong ibang bansa, (5) mga taong nagbibigay ng basic services at public utilities, at (6) essential skeletal workforce; at
b. Pigilan ang non-essential exit ng mga tao palabas ng contained area, maliban sa (1) health workers, (2) awtorisadong government officials, (3) at sa mga bumibyahe para sa medical o humanitarian reasons, at (4) sa mga pinayagan na makapasok base sa naunang nabanggit na probisyon, kailangan din na ang lahat ng aalis ng contained community ay itse-check para sa “signs and symptoms” (e.g., fever, respiratory symptoms, diarrhea) sa exit checkpoints kung saan ang (1) appropriate certification ay ipalalabas ng may kakayahang health authority, (2)ieendorso naman ng health authority ang exiting persons sa recipient LGU, (3) ang exiting persons ay sasailalim ng 14-day home based quarantine, at (4) ang LGUs ay required na mag-monitor ng implementasyon ng home-based quarantine.
Gayunman, kung may pangyayari na hindi maiiwasan ay ang DOH at ang DILG ay maaaring atasan ang LGU na magpatupad ng mas pinahusay na community quarantine, na ang pakahulugan ay kondisyon kung saan ang strict home quarantine ay ipatutupad sa lahat ng tahanan, suspendido ang transportasyon, ang probisyon sa pagkain at mahahalagang health services ay ire-regulate at ang presensiya ng uniformed personnel para ipatupad ang quarantine procedures ay patataasin.
3. Ukol naman sa Alternative working arrangements, kabilang subalit hindi limitado sa work-from home, compressed work week, staggered working hours, at paglikha ng skeletal workforces, na dapat na ipinatupad sa Executive Branch.
Samantala, inulit ng Malakanyang na ang lahat ng measures na ipinatutupad ay subject sa regular review ni Pangulong Duterte at IATF upang matiyak na ang virus ay masusugpo at tuluyang matatanggal nang walang matindi at sobrang pangamba sa mga mamamayan para sa kanilang pang-araw-araw na pamumuhay. CHRISTIAN DALE
212 