PINABULAANAN ng SMC Tollways ang kumakalat na balita sa social media na sarado ang South Luzon Expressway at STAR Tollway sa Batangas.
Sa pahayag ng SMC Tollways nitong Miyerkoles ng umaga, sinabi na mananatiling bukas ang dalawang expressway at ang NAIAX at patuloy na madadaanan ng mga motorista.
Ayon pa sa tollway group, nakikipag-ugnayan rin sila sa Philippine National Police, Armed Forces of the Philippines, Department of Health at sa iba pang mga pangunahing ahensya ng gobyerno at handang tumulong sa anomang mga pangangailangan para maipatupad ang umiiral na enhanced community quarantine sa Luzon. NILOU DEL CARMEN
313 