LOCKDOWN SA TAGUIG SIMULA NGAYONG HATING GABI.

Ipinag-utos ng Taguig City Government ang lockdown sa lungsod simula ngayong hating gabi bilang hakbang sa pagpigil sa pagkalat ng 2019 coronavirus disease (COVID-19).

Ang kautusan ni Mayor Lino Cayetano ay para sa kaligtasan ng lahat ng mamamayan at negosyante at para mapigilan na rin ang pagkalat ng sakit.

Tanging deliveries ng mga pangunahing pangangailangan at suplay ang pwedeng makapasok sa lungsod simula ngayong alas 12 ng hatinggabi.

Gayunman, siniguro ng pamahalaang lungsod sa mga tao na mananatiling bukas ang supermarkets, groceries, convenience stores at bangko.

Sinabi ni Cayetano na papayagan ang  maliliit na groceries at sari-sari store na mag-operate subalit sa ilalim ng patnubay ng barangay upang maipatupad na rin ang social distancing.

 

196

Related posts

Leave a Comment