DOLE, OBRERO AT NEGOSYANTE  DAPAT MAGKAISA VS COVID-19

NANAWAGAN kahapon ang Nagkaisa Labor Coalition sa Department of Labor and Employment (DOLE) na ipatawag ang National Tripartite Industrial Peace Council (NTIPC) upang epektibong maharap ang epekto ng novel coronavirus o COVID – 19 sa mga obrero at negosyante.

Ayon kay Atty. Jose Sonny Matula, tagapangulo ng Nagkaisa, kailangang magpatawag ng “emergency meeting” ng NTIPC si Labor Secretary Silvestre Bello III upang magkasamang talakayin ng kinatawan ng pamahalaan, manggagawa at negosyante ang epekto ng COVID-19 sa “labor and employment perspective.”

“Workers, who are the majority of our populace, are facing the impacts of the coronavirus pandemic. Society’s failure to protect the majority and government’s seeming overemphasis on iron hand solutions will further increase the spread of the disease,” paliwanag ni Matula, pangulo rin ng Federation of Free Workers (FFW) na bahagi ng Nagkaisa.

Ani Matula, ang FFW ay marami nang natatanggap na reklamo mula sa mga manggagawa dahil sa pagpapabaya ng mga kapitalista.

Hangad ng mga unyon na mag-usap ang DOLE, mga negosyante at manggagawa hinggil sa “special provisions that must be made to immediately extend paid 14-day quarantine leave, sick-leave entitlements to workers who lack them, and to improve sick leave provisions where they exist, as well as to ensure working conditions and arrangements that preserve jobs and provide protection to workers,” banggit ni Matula.

Nanawagan din ang Nagkaisa na magkaroon ng konsultasyon ang mga unyon at collective bargaining negotiations sa pamanuan ng kanilang pinapasukag kumpanya, sapagkat ang unyon at collective bargaining negotiations ay mahalagang sandata upang matiyak na mabigyan ng proteksyon ang kalusugan ng mga manggagawa at ang kanilang karapatan,” diin ni Matula.

Sa kabilang banda, nanawagan ang isa pang malaking alyansa ng mga unyon sa bansa na Pagkakaisa ng Uring Manggagawa (PAGGAWA) sa kanyang kasapian, sa kilusang paggawa at kilusang unyon na “Isagawa ang dobleng pag-iingat para siguruhin ang ating sariling kaligtasan at gayundin ng mga nasa ating kapaligiran, sa ating mga tahanan at mga establisimyentong pinapasukan.”

Hiniling din ng pamunuan ng PAGGAWA na sundin ang mga inanunsyo ng Department of Health (DOH) na mga pag-iingat at safety precautions para hindi dapuan at hindi makahawa pa ng naturang sakit. NELSON S. BADILLA

351

Related posts

Leave a Comment