DEADLINE NG BIR SA PAGHAHAIN NG ITR PINALAWIG

bir1

PINALAWIG na ng Bureau of Internal Revenue (BIR) ang deadline ng paghahain ng income tax returns (ITR) na una nang itinakda sa Abril 15.

Sa gitna ito ng pinaiiral na enhanced community quarantine sa Luzon dahil sa banta ng coronavirus disease 2019 (COVID-19).

Sa ipinalabas na Revenue Memorandum Circular na may petsang Marso 18, itinakda ni BIR Commissioner Caesar Dulay ang deadline sa Mayo 15 o isang buwang extension.

Nangangahulugan ito na maaaring magbayad ng hanggang Mayo 15 ang publiko nang hindi papatawan ng multa o penalty dahil sa pagkaantala. JG TUMBADO

127

Related posts

Leave a Comment