NATAGPUANG patay ang isang 74-anyos na biyuda sa loob ng kanyang bahay sa Paranaque City.
Hinala ng pulisya, pagnanakaw ang motibo sa pagpatay sa biktimang si Sonia Moral.
Ayon sa ulat ng Southern Police District, nagtungo sila sa bahay ni Moral sa Marcelo Green Village makaraang sabihin ng kapitbahay na hindi na ito sumasagot sa mga tawag.
Nang pasukin ng pulis, natagpuan ang walang buhay na biktimang tadtad ng saksak.
Pagnanakaw ang hinihinalang motibo dahil nagkalat ang mga pekeng alahas sa sahig.
Mag-isa lang na naninirahan ang biktima at kinukumusta na lang siya ng mga kapitbahay.
Patuloy ang imbestigasyon ng pulisya at inaalam kung may CCTV sa lugar.
Nangyari ang insidente habang isinasailalim ang buong Luzon sa enhanced community quarantine. (KIKO CUETO)
180 