MPD PINAKIKILOS VS BATANG KALYE

ILANG residente ng Maynila ang nagmalasakit na iparating sa pamunuan ng Manila Police District (MPD) ang pang-aabusong ginagawa ng mga batang kalye sa mga taong hindi nagbibigay ng limos sa kanila.

Ilan sa mga inireklamo ay iyong mga nagkalat na batang kalye sa kanto ng Taft at Quirino Avenues, malapit sa istasyon ng LRT.

Mayroon ding nakitang mga batang kalye sa kanto ng Taft Avenue at San Andres.

Ayon sa mga nagmalasakit na residente, nanghaharang ang mga bata at kanilang mga kasamang mas matanda sa kanila at namimilit sa mga motorista na bigyan sila ng pera.

Kapag hindi nagbigay ay dinuduraan ng mga bata ang sasakyan.

Nang makarating sa MPD ang impormasyon, sa pamamagitan ng media ay kaagad pinuntahan ng kanilang mga operatiba ang tinurang lugar, ngunit wala na silang nakitang mga bata.

Nabatid ng Saksi Ngayon, mula nang maging alkalde ng Maynila si Mayor Francisco “Isko Moreno” Domagoso ay nanatili ang napakaraming batang kalye sa mga lansangan sa Maynila, kabilang na sa paligid ng city hall, National Museum, Luneta, Liwasang Bonifacio at iba pa. NELSON S. BADILLA

314

Related posts

Leave a Comment