DALANGIN PARA SA LABAN SA COVID-19

PUNA

LORD, inaamin po naming tao lamang po kami at makasalanan.

Pero, kayo na mismo nagsabi na kahit anong  dami ng kasalanan ng tao subalit kapag ­nagpakumbaba at nagdasal sa inyo ay hindi n’yo po pinababayaan.

Panginoon, sa mga ­panahong ito ay nanalangin po kami sa inyo na mawala na po sana itong COVID-19 na patuloy na nananalasa sa mga tao sa buong mundo.

Lord, sa panahong ito ay wala po kaming malapitan kundi kayo, kundi kayo lamang po, naniniwala po kami sa inyong kapangyarihan na mawawala ang COVID-19.

Dalangin ko po Lord na iligtas mo po ang pamilya, mga kamag-anak  at frontliners tulad ng mga doktor, nurse, awtoridad at iba pang personalidad na tumutulong para labanan ang COVID-19.

Bigyan mo rin po Panginoon ng malinaw na pag-iisip ang mga opisyal ng ­gobyerno na tumulong sila sa taumbayan upang maibsan ang epekto ng coronavirus.

Hindi po namin alam Panginoon kung hanggang kailan ang itatagal ng pandemic na ito kaya po dumudulog na po kami sa inyo sapagkat hindi na rin po makapag-trabaho ang ­maraming tao dahil

sa takot ng mahawaan ng virus na ito.

Kaya naman po ­ipinauubaya na namin ang mga aming sarili sa Inyo dahil kung wala po Kayo sa amin ay hindi namin ­makakayanan ang pagsubok na ito. Naniniwala rin po kami Panginoon na

‘nasa tao ang gawa, nasa Diyos ang awa’.

Bigyan n’yo rin po kami Panginoon ng matatag na pag-iisip para makayanan namin ang krisis na ito at maging ng mga frontliner.

Bigyan n’yo rin po ng lakas ng katawan si ­Pangulong Rodrigo Duterte para magampanan niya ang kanyang pagiging “ama ng bansa” tulad ng iba pang opisyal ng pamahalaan.

Naniniwala rin po kami Panginoon na ang nangyayaring ito, ang pagsulpot ng COVID-19 sa buong mundo ay isang pagsubok sa pananampalataya ng mga tao.

Lord, ang pagpupugay namin ay sumasainyo at naninikluhod kaming ­tulungan n’yo kami sa kasalukuyang krisis na ito.

Panginoon, patawarin n’yo po kami sa aming mga makasalanan at bigyan n’yo po ng mapagkumbabang pag-iisip. Amen.

oOo

Nanawagan naman po tayo sa ating mga kababayan sapagkat ito na ang ­panahon na dumulog a

t mag-alay po tayo ng ­panalangin sa Panginoon.

Wala pong ibang makakatulong sa panahon na ito kundi ang Panginoon lamang kaya sabay-sabay po tayo humingi sa kanya ng awa upang mawala na itong COVID-19.

Ito na rin po ang panahon para magpatawad at humingi ng tawad sa ating nakasamaan ng loob.

Ito rin po ang panahon na magkaisa tayo sa iisang layunin. Isang tabi na po natin ang inggitan at samaan ng loob sa isat-isa.

oOo

Para sa suhestiyon at reaksyon mag-email joel2amongo@yahoo.com at ­operarioj45@gmail.com.

226

Related posts

Leave a Comment