Probe sa pagbagsak ng eroplano gumulong na LIONAIR FLEET ‘GROUNDED’

PINAIIMBESTIGAHAN na ng Civil Aviation Authority of the Philippines (CAAP) ang pagkasunog ng isang eroplano sa runway ng Ninoy Aquino International Airport na ikinasawi ng walong sakay nito, Linggo ng gabi.

Kasabay nito, iniutos ding huwag payagang makabiyahe o grounded ang buong fleet ng Lionair Inc.

Walang nakaligtas sa walong sakay ng Lion Air Westwind ambulance aircraft na bumagsak sa runway 24 ng NAIA dakong alas-8, Linggo ng gabi.

Ayon sa ulat, naganap ang insidente habang nagte-take off ang eroplano na patungo sanang Haneda, Japan para sa isang medical evacuation mission.

Sakay nito ang walong indibidwal na kinabibilangan ng anim na crew members, isang doktor at nurse at

dalawang pasahero na isang Canadian national na pinaniniwalaang pasyente at isang American national.

Nabatid na pag-aari rin ng Lionair ang Beechcraft King Air 350 na bumagsak sa Calamba City, Laguna, halos anim na buwan pa lang ang nakararaan.

Siyam naman ang nasawi sa nasabing insidente na maglilikas lang sana ng pasyente mula Dipolog City patungong Maynila.

Kaugnay nito, ikinalungkot ng Malakanyang ang trahedya sa pagkamatay ng walong sakay ng nabanggit na eroplano.

Sinabi ni Presidential spokesperson Salvador Panelo, siguradong magkakaroon ng masusing imbestigasyon sa insidente.

“And the concerned government agencies must undertake measures to secure the safety of private aircrafts as well as their passengers and crew,” ayon pa rin kay Sec. Panelo. JESSE KABEL, CHRISTIAN DALE

205

Related posts

Leave a Comment