OVERSTAYING KUWAITI NAT’L INARESTO NG BI

INARESTO ng mga ahente ng Bureau of Immigration (BI) ang isang overstaying Kuwaiti national na palaaway umano sa isang komunidad sa Mindanao.

Sa report kay Immigration Commissioner Jaime Morente, ni BI Acting Intelligence Chief Fortunato Manahan Jr., kinilala ang dayuhan na si

Faisal Abdullah Almansour, 50-anyos, nadakip noong Marso 17 at ikinulong sa BI District Office sa Davao City.

Si Almansour ay inaresto ng mga operatiba mula sa BI’s Mindanao Intelligence Task Group (MITG), sa kanyang bahay sa Governor Generoso, Davao Oriental, sa pamamagitan ng mission order na inisyu ni Morente.

Sinabi ni Manahan, inisyu ang mission order matapos makatanggap ang BI ng reklamo mula kay Mayor Katrina Joy Orencia, na maraming nang reklamo laban sa Kuwaiti national mula sa kanyang mga kapitbahay.

Sinabi pa ng alkalde, si Almansour ay laging pinagmumulan ng kaguluhan sa komunidad kung saan siya nakatira.

Ayon sa imbestigasyon, ang Kuwaiti national ay overstaying na sa bansa ng mahigit pitong taon at dalawang taon nang expired ang passport nito.

“He will thus undergo deportation proceedings for being an undocumented and overstaying alien,” ani Manahan.

Sa pagsusuri sa travel record ni Almansour, dumating siya sa bansa bilang turista noong Hunyo 12, 2012 at hindi na siya umalis simula noon.

Si Almansour ay nananatiling nakakulong sa BI holding facility sa Davao habang inaayos ang kanyang deportation proceedings. (JOEL AMONGO)

 

197

Related posts

Leave a Comment