WALANG PUTULAN SA MG HINDI BAYAD NA BILLS MULA MAYO HANGGANG HUNYO, AYON SA MERALCO

Nilinaw ng Manila Electric Company (Meralco) na hindi puputulan ng serbisyo ang mga customer na may nakabinbing concern sa kanilang bill sa kuryente habang isinasagawa ang rebyu ng kanilang kaso.

“Nais naming linawin na ang mga customer ng Meralco na may nakabinbing billing concerns ay rin hindi mapuputulan ng serbisyo ng kuryente habang isinasagawa ang imbestigasyon,” ayon kay Meralco Vice President at Head of Corporate Communications Joe R. Zaldarriaga.

Binigyang-diin din ng Meralco na nananatiling suspendido sa buong bansa ang pagpapatupad ng disconnection activities para sa lahat ng hindi pa nababayarang bill na saklaw mula Mayo hanggang Hulyo 2026, alinsunod sa naunang direktiba ng Energy Regulatory Commission (ERC).

“Inuulit din namin na nananatiling suspendido ang disconnection activities para sa lahat ng consumer na may hindi pa nababayarang bill para sa billing periods ng Mayo hanggang Hulyo,” dagdag ni Zaldarriaga.

Naglabas ng pahayag ang Meralco kasunod ng paglaganap ng mga usapin at maling akala hinggil sa mga bill sa kuryente at billing concerns sa social media nitong mga nakaraang linggo.

Hinimok naman ng kumpanya ang mga customer na may tanong o reklamo tungkol sa kanilang bill, konsumo, o meter reading na dumulog sa opisyal na customer service channels ng kumpanya.

Tiniyak ni Zaldarriaga na bawat concern na natatanggap ng Meralco ay agad na sinusuri at inaaksyunan.

“Patuloy naming tinutugunan ang lahat ng concern ng aming mga customer kaugnay ng kanilang bill sa kuryente, konsumo, o meter reading sa pamamagitan ng aming mga opisyal na customer touchpoints. Makatitiyak ang publiko na masusing nire-review at nireresolba ang bawat concern na ipinapaabot sa amin,” aniya.

112

Related posts

Leave a Comment