Wanted, pasaway, sangkot sa sugal at droga 310 ARESTADO SA BULACAN

BULACAN – Sa kabila ng ipinaiiral na enhanced community quarantine Luzon-wide, kabuuang 310 katao ang nadakip ng mga tauhan ng Bulacan Police makaraang masangkot sa iba’t ibang criminal activities sa lalawigang ito, sa nakaraang apat na araw.

Ayon kay Bulacan Police Provincial Office (PPO) director, Col. Lawrence Cajipe, ang mga arestado ay kinabibilangan ng 111 drug suspect na nahuli sa isinagawang 49 drug operations; 106 sa illegal gambling; 41 most wanted persons at 52 pasaway sa ECQ.

“The strings of operations are in adherence to the marching orders of our Chief PNP to intensify, reinvigorate and to focus on the anti-criminality drive while the ECQ is being imposed province wide,” pahayag ni Cajipe.

Umabot naman sa 255 heat-sealed plastic sachets ng hinihinalang shabu, 19 sachet ng dried marijuana leaves, assorted drug paraphernalia at buy-bust money ang nakumpiska sa buy-bust operations na isinagawa ng Bulacan 2nd Provincial Mobile Force Company (PMFC) at 18 city and municipal police stations.

Samantala, umabot naman sa 52 pasaway sa ipinatutupad na ECQ ang dinakip kabilang ang mga tambay, nagsusugal at mga lumabag sa curfew. (ELOISA SILVERIO)

 

198

Related posts

Leave a Comment