MAY SINTOMAS, PRAYORIDAD SA MASS TESTING

HINDI lahat ay isasalang sa mass testing sa April 14 kundi iyon lamang mga pasyenteng symptomatic o may sintomas ng COVID-19.

Ayon kay Health Usec. Maria Rosario Vergeire, mayroon pa ring protocol na kailangang sundin sa isasagawang mass testing kaya hindi lahat ng tao sa bansa ay sasailalim dito.

Gayunman, pag-uusapan pa, aniya, sa pulong ng Inter-Agency Task Force (IATF) ang iba pang mga hakbang para sa mass testing.

Una nang sinabi ni Presidential Peace Adviser at National Task Force COVID-19 Chief Implementer Carlito Galvez Jr. na target ng gobyerno na maisagawa ang mass testing simula April 14. D ANIN

374

Related posts

Leave a Comment