MAGING madasalin ang mga Pinoy.
Naging malapit ang bawat pamilyang Filipino.
Nabawasan ang polusyon.
Nabawasan ang init sa kapaligiran.
Nabawasan ang pakalat-kalat na tao sa kalye.
Nabawasan ang mga kriminal sa kalye.
Nawala ang trapik sa lansangan.
Nawala rin ang sidewalk vendors at nabawasan din ang basura.
Lumabas ang ating pagiging maawain.
Lumutang ang pagiging malambot ng ating mga damdamin
Subalit may ilan lang namang politikong mga epal na sa halip na tumulong sa gobyerno sa pamimigay ng ayuda ay bumatikos pa.
Ito na marahil ang lagi nating sinasabi sa mga nakaraan nating kolum na ang nangyayaring krisis na ito sa buong mundo ay isang paalala ng Poong Maykapal na magsipagsisi tayo sa ating mga kasalanan.
Dahil kapag ang Panginoon ang nagalit sa atin at hinagupit tayo wala tayong magagawa, wala tayong kalaban-laban.
Kahit anuman ang katayuan natin sa buhay, maging mayayamang bansa tulad ng Amerika, China, Italy, Spain, ay wala tayong nagawa sa COVID-19.
Gayunman, kahit mahirap tayong bansa ay hindi masyado ang hagupit sa atin ng COVID-19 dahil naagapan ng ating pamahalaan.
Mapalad po tayo na nagkaroon tayo ng lider na tulad ni Pangulong Rodrigo Duterte na ang sentro ng kanyang pamahahala ay sa taumbayan.
Kung hindi siya ang ating naging Presidente, saan pupulutin ang lahi Juan Dela Cruz ngayon?
Sa ilang taon niyang panunungkulan ay nakaipon ang gobyerno ng pondo para itulong sa taumbayan na naghihikahos ngayon dahil sa COVID-19.
Naniniwala ang PUNA na malaki ang papel ni Pangulong Duterte sa pagsubok na ito ng Panginoon sa mga Pinoy.
Alam niyang matatag ang kanyang pamunuan kaya ngayon ibinababa ang pagsubok na ito.
Sabi nga, hindi tayo susubukan ng Panginoon kung hindi natin kaya.
Sa panahon ngayon, magtulungan po tayo dahil para tayong nakasakay sa bangka at tumatawid sa malawak na ilog kaya’t kailangan natin magsagwang pare-parehas at sabay-sabay upang sa iisang direksyon ang tungo para makatawid tayo sa COVID-19.
Kung may sasalungat sa pagsagwan nating mga nakasakay sa bangka ay mag iiba ang direksyon at hindi magiging matagumpay ang pagtawid kaya’t marami ang posibleng mamatay na maihahalintulad sa nangyayari ngayon sa atin dala ng COVID-19.
Gusto ng ating Tatay Digong na magkaisa ang mga Pinoy maging anuman ang kulay ng kinabibilangang pulitika para sa iisang direksyon nang pagsagwang makatawid tayo agad sa makalawak na karagatan na kontamindo ng COVID-19.
Ngayon natin nalaman ang sakripisyo ng health wokers na kahit na wala silang Personal Protective Equipments (PPEs) ay nagtatrabaho sila kahit na nasa hukay na ang kanilang kabilang paa para lang maisalba ang lahi ni Juan.
Marami na sa kanila ang nagbuwis ng buhay na hindi man lang nakita ang kanilang bangkay ng kanilang mga kamag-anak. Napakasakit subalit napakadakila ng kanilang ginawa.
Hindi po ito ang panahon nang pagmamayabang na tayo ay magaling, panahon po ito ng pagkakaisa at pagmamahal sa ating kapwa.
Naniniwala po ang PUNA na ang mga Pilipino ay malambot ang puso.
Sana po magkaisa po tayo sa iisang layunin at suportahan po nating ang ating pangulo sa kanyang layunin.
Lord patawrin n’yo po kami sa aming mga kasalanan. Amen!
oOo
Para suhestiyon at reaksyon mag-email joel2amongo@yahoo.com at operarioj45@gmail.com.
195 