SIMULA bukas, Lunes Santo ay ilalagay sa “lockdown” ang buong lalawigan ng Rizal, para maiwasan ang pagkalat ng coronavirus o COVID-19.
Ang anunsyo ay nagmula kay acting Governor Reynaldo San Juan Jr., na naka-post sa social media. Si San Juan ang tumatayong ama ng lalawigan ngayong nagpapagaling pa si Rizal Governor Nini Ynares na tinamaan ng COVID-19.
Sisimulan ang lockdown ng alas-8 ng umaga bukas at magiging epektibo hangga’t hindi binabawi ng provincial government.
Sa ilalim ng executive order, isasara ang probinsya sa travelers, maliban sa health institutions, food industry, pharmacies at drugstores, markets at grocery stores, at ibang authorized government personnel.
Papayagan naman ang media na may accredited ID.
Ang mga Public utility vehicle ay hindi papayagan na umalis o pumasok ng Rizal, maliban kung frontliners.
Inaatasan din ang bawat alkalde sa Rizal na maglatag ng checpoints at lockdowns.
Nitong Biyernes, nasa 106 na ang kaso ng COVID-19 sa Rizal Province, na may 18 namatay.
Binabantayan ng lalawigan ng Rizal ang 466 persons under investigation kabilang ang 41 na naospital at 259 na nasa home quarantine.
May kabuuang bilang na 9,188 ang persons under monitoring sa lalawigan at 4,012 ay nasa home quarantine.
Nitong Sabado, sinabi ng DOH na may 3,094 COVID-19 cases sa bansa.
Nasa 144 ang patay habang 57 ang gumaling. KIKO CUETO
227 