Mga punong barangay kinalampag CAUSE OF DEATH NG CONSTITUENTS ALAMIN – PDU30

IPINAG-UTOS ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte sa mga barangay captain na alamin ang dahilan ng pagkamatay ng sinoman sa nasasakupan nilang komunidad.

Nakarating kasi sa Pangulo na may mga pamilya na tumatangging sabihin ang dahilan ng pagkamatay ng kanilang kaanak upang magawa nilang makapaglamay o maiburol ang patay at hindi kunin sa kanila para i-cremate.

“Ang problema natin yung not reported tapos namatay sa mga bahay-bahay at hindi ninyo alam COVID pala ang dahilan o ayaw ninyong sabihin kasi hindi kayo makapag- burol nang matagal o nahihiya kayo. Sa tatlong ito, ilagay mo talaga ang bayan mo sa alanganin kaya hindi matapos ito kung ganun,” ayon kay Pangulong Duterte.

Kaya inaatasan niya ang mga barangay kapitan na alamin kung sino ang namatay at dahilan ng pagkamatay nito.

“It behooves upon the barangay captain to see to it that kung sino yung namatay, siguraduhin lang pagsabi heart attack, kasi kung walang pinagsasabi, then testing kaagad. Yung pamilya mismo nung namatayan, testing kaagad,” aniya pa rin.

Binalaan ng Pangulo ang mga namatayan na kapag nalaman niya na COVID-19 ang ikinamatay ay kaagad niyang ipakukuha ang patay at dadalhin sa crematory para sunugin.

“At kung malaman ko na namatay sa corona, kunin ko yung patay at sa gusto ninyo o hindi, dalhin ko yan sa crematory, sunugin ko. Yan ang trabaho ko,” ang pahayag ni Pangulong Duterte. CHRISTIAN DALE

273

Related posts

Leave a Comment