REKLAMO KAUGNAY SA AMELIORATION PROGRAM NG GOBYERNO

PUNA

BIGYANG pansin po muna natin ang reklamo na ipinadala sa PUNA noong Abril 10, 2020.

Good Day Sir/Ma’am,

May we ask or request for investigation regarding social amelioration program in Sta. Cruz, Isabela Province, Region 2, Philippines. I am just a concern citizen lang po.

Hindi po kasi napasama sa listahan nang nabigyan ng form ng special amelioration program ang mga pamilyang talagang nabibilang sa mahihirap. Sa totoo po, kung sino pa ang nasa middle class na pamilya ay sila pa ang nakatanggap  ng form para sa SAP lalo na ang mga opisyal ng barangay kabilang ang kapitan at kanilang mga kamag-anak at kaibigan. Ipinapaalam ko po sa inyo na mayroong ilang bahay na bagaman dalawang pamilya ang nakatira ay maghahati pa sa isang form mula sa Department of Social Welfare and Development.

I hope na mabigyan ng aksyon ang hinaing ng mga pamilyang hirap sa buhay na hindi makakatanggap ng tulong mula sa gobyerno.
Thanks and best regards,

Concern Citizen

Bukod sa liham na ito, marami pang natanggap na reklamo ang PUNA mula sa email subalit hindi na inilathala ng inyong lingkod ang kanilang mga reklamo.

Isa nga sa napakaraming reklamo na aking natanggap ay kaugnay sa ayudang P5-K – P8-K dahil kadalasan umano ay pili lang ang binibigyan ng form para sa amelioration ng pamahalaan. Batay

sa mga reklamo, madalas umano ay umiiral ang palakasan sa pamamahagi ng form na dapat na inuuna at pinapahalagahan ay ang mga totoong mahihirap o iyong tinatawag na ‘poorest of the poor’.

Sa pinakahuling impormasyon nakuha ng PUNA, nasa 377 pamilya pa lang ang makatatanggap ng P5-K – P8-K ayuda mula sa DSWD na ibig sabihin ay matagal-tagal pang proseso bago madatnan ng ayudang ito ang target na labing walong milyong (18M) pamilyang mahihirap.

Sobrang bagal nang pamamahagi ng ayudang P5-K – P8-K ng DSWD na natapos na ang unang enhanced community  quarantine (ECQ) sa buong Luzon ngayong Abril 14, 2020 pero hindi pa po halos nasa ikaapat na bahagi ng bilang ng mga bibigyan ang nakatatanggap.

Ang masaklap pa rito, hindi nagtutugma ang listahan ng DSWD at local government units (LGUs) para sa mabilis na eksekyusyon ng programa bukod pa kakulangan sa form ng SAP dahilan upang mamrublema ang LGUs.

Importanteng makatanggap ng ayuda ang mahihirap na pamilya pero walang magagawa ang taumbayan kung hindi maghintay nang pagsapit sa kanilang tahanan ng tulong pinansiyal mula sa pamahalaan.

Dasal ang magagawa natin upang maisaayos ng DSWD at LGUs ang pamamahagi ng ayuda sa mamamayan.

Manatili nawang sumusunod ang lahat sa mga alituntuning ipinatutupad ng gobyerno upang manatiling ligtas ang lahat sa coronavirus disease 2019.

184

Related posts

Leave a Comment